“Kayo na ba?”

Kahit na gustong-gusto kong sabihing “Oo,” hindi ko magawa. Hindi dahil sa ayaw, hindi dahil sa pagdedeny, hindi naman kasi talaga.

Kailan ‘yung huling pagkakataon na nasabi mo sa sarili mong kaya mo na ulit isakripisyo lahat sa buhay mo para lang maging masaya ka? Ang tanong, kailangan ba talagang may isakripisyo? Oo. Kasi, hindi lahat makukuha mo nang  madalian. Kailangan mong paghirapan.

Alam mo, kung madalian at madalian lang din, edi sana may boyfriend na ulit ako ngayon. HAHAHA! Kung ginusto kong makaganti, hindi lang siguro isa, marami na, sabay-sabay pa. Pero kasi, walang mabuting bagay ang nadadaan sa madalian. At hindi ko ugali ang manglaro ng damdamin ng iba. Aba, hindi ako pinalaki ng mga magulang ko para mabastos ng sabihin na nating kulang sa modo na mga tao. At sa bandang huli, kung gagawin ko yun, ako rin naman mahihirapan.

Natatakot ako. Sobra. Ikaw ba hindi matatakot kapag alam mong papasok ka sa isang bagay na walang kasiguraduhan? Pero hindi ako natatakot masaktan. Natatakot ako sa kung ano na namang magiging ako kung magtapos na ang hindi pa naman nagsisimula.

Itong mga nakaraang araw, maraming bagay akong pinag-isipan. Kung anong gagawin ko after graduation, kung magiging maayos ba yung thesis namin, at kung maipapasa ko ba lahat ng subjects ko ngayong sem. Pero may isang bagay na hanggang ngayon, hindi ko alam yung gagawin ko: Sapat na ba ‘tong nararamdaman ko para ipagpatuloy pa?

Baka lang kasi nagmamadali ako. Baka gusto ko lang kasi masaya ako ngayon. Baka hindi ko mabitawan kasi alam kong may mababago. O baka kasi sobrang hindi pa ako sigurado kung tama itong ginagawa ko.

Alam ko naman kasi bakit ako naguguluhan. Gusto kong maging masaya, ayan ang pagkakataon, pero pilit ko pa ring pinipigilan kasi alam kong magiging mahirap at masakit. Yung katotohanan pa lang na ang layo-layo niya sa akin, ang sakit-sakit na. Yung dapat na oras na itutulog mo na lang, ilalaan mo pa para lang hintayin siya at makausap ng mga dalawampung minuto lang. Yung gumigising ka sa umaga na walang madadatnan na message mula sa kanya kasi busy sa trabaho. O kaya yung pag-uwi mo ng bahay na hindi mo siya matawagan kasi alam mong mahimbing na yung tulog niya. Ang hirap di ba?

Pero, kapag nagkaroon ng pagkakataon, apat na oras na walang palyang kwentuhan, tawanan nang sobra, di nauubusan ng pag-uusapan. Kapag seryoso na, hindi mo maiwasang maiyak kasi hindi mo inaakalang ganun na pala naiisip niya. Yung hindi mo alam na higit pa sa gusto mo yung ginugusto niya. At yung kaya niyang umintindi kahit na ikaw pa yung pinakamagulong tao sa lahat.

Kung iisipin mo, lahat naman ganyan. Ayos sa simula, makikita mo yung gusto mo kasi yun ang pinipili mong makita. Pero kaya nga may tinatawag na pagsugal eh. Kahit walang kasiguraduhan, may ibibigay at ibibigay ka pa rin, kahit hindi magiging maganda yung kapalit.

Sobrang magulo pa. As in like, sobra. Pero, uulitin ko, hindi mo alam kung gaano ko kagustong sabihin na sobrang mahal kita. Yung masasabi ko yun nang wala nang masakit, nang hindi na ako matatakot. Gusto kong dumating na yung panahon na masasabi mong kuntento ka na rin. Gusto kong malaman na nila na ikaw yung tinutukoy ko. At gustong-gusto ko nang sumagot ng “oo” kapag nagtanong sila ng “Kayo na ba?” Pero hindi pa dapat ngayon eh. Alam mo ‘yan, at sa’yo na rin nanggaling. Malaking bagay na sa akin yung nasasabi mong willing kang maghintay. Salamat kung ganoon, pero mas salamat kung masasamahan mo akong maghintay hanggang sa panahong pwede na lahat.

Espesyal ka sa buhay ko ngayon. Sapat na ‘yun para malaman nilang ikaw dahilan ng pagiging masaya ko. Ito lang yung magagawa ko para mawala yung pangamba mo na wala lang ‘to.

 

 

*Ang sabog lang ng pagkakasulat ko nito. Bangag lang kasi eh. Sana, huli ko na ‘to. =))*

Advertisements

One thought on ““Kayo na ba?”

  1. Hahaha. Willing naman pala maghintay e. Okay lang yan. Haha. Jk. Anyway, you’ll know when is the right time. Kaso wala naman talagang right time e, kasi even if malapit kayo sa isa’t-isa there will come a time na magkakaproblema din kayo, and it’s up to the both of you to handle. Pero as what you are saying, take it easy. You think a hundred times before you decide. Basta wag magmadali. 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s