B.

“Malaking kawalan kapag nawala ka sa buhay ko.”

Hindi kita paglalaanan ng panahon nang dahil sa wala lang. Maraming ibang bagay ang pwede kong gawin sa oras ko, pero pinipili kong gamitin yun sa’yo. Hindi ako nanunumbat, kaya lang, wag mong ipilit na ginagawa ko ‘to kasi “dapat.” Pwede bang, gusto ko lang kasi talaga? Hindi ko rin naman mababago, kasi, ganito na ako eh. Ganito ako mag-aruga, na naipaparamdam ko lang sa pagtawag-tawag.

Hindi ko rin naman kasi alam kung bakit ganito na pag-iisip ko. Kung bakit konting kibot at salita mo lang, sobrang naaapektuhan ako. Kung bakit nasasabi kong buo yung loob kong pumasok sa isang sitwaysong alam kong magiging palaging mahirap. Kung bakit naiisip kong kakayanin kong maghintay sa isang bagay na walang kasiguraduhan. At kung bakit hindi ko magawang umalis kahit ang gulo-gulo na.

Hindi ko planong sumuko. Kasi noong unang pagkakataon pa lang na tinanong ko sarili ko kung ano bang gusto ko, nakuha ko na agad yung dahilan ng pagpapatuloy ko ng kung anuman ‘to. Hindi mo naman kailangan malaman kung anong dahilan ko, kasi wala rin akong masasabi kung tanungin nila akong “Bakit siya?”

Hindi ko kayang mang-iwan. Alam ko kasi kung gaano kasakit kapag iniwan. Kung wala ka naman kasing planong ipaglaban yung kung anong meron ka para sa isang tao, wag mo na simulan. Wag kang mangangako. Wag kang magbibitiw ng mga salitang maaaring bumago sa takbo ng buhay niya, tapos, babawiin mo? Hindi ako bata na kapag inagawan ng candy, tatahimik na kapag binigyan ng chocolate. Alam ko kung anong gusto ko. Wag ipilit sa akin kung anong ayaw ko.

Hindi ko gusto na mawala ka. Sobra akong nagpapasalamat kung para sa’yo, malaki yung parte ko sa buhay mo. Iilan na lang sa panahon ngayon yung kayang sabihin yan, considering na wala ka namang pinanghahawakan sakin. Kung ako ang papipiliin, ayokong tapusin ‘to. Mahirap naman talaga. Sobrang mahirap. Lahat ng anggulong titignan mo, alam mong magiging magulo. Pero, bakit mo titignan yung parteng yun, kung alam mo namang may mas maigi kang makikita sa kabilang banda? Ang hirap kasi sa tao, kung simula’t sapul nahihirapan na, hindi na gagawa ng paraan para subukan. Ang iniisip kasi, “Bakit ko pa susubukan, eh mahihirapan din naman ako?” Che. If you haven’t risked anything, just about anything, then you haven’t experienced life at all.

Hindi ko alam kung tama yung mga sinabi ko sa’yo noong una palang, kahit alam kong ano talaga yung inaalala mo. Naging selfish ako. Selfish in a sense na, kung hindi ko sinabi yung mga yun, malamang, hindi magulo ngayon. Sorry. Pakiramdam ko, minanipula kita. Pero masisisi mo ba ako kung ginusto ko din naman talagang mapalapit sa’yo? Kaya lang, sorry. Pasensya kung nasasaktan kita nang hindi ko namamalayan.

Hindi naman ako hihiling ng kahit ano sa’yo. Di ba nga tinutulak pa kita sa kung anong gusto mo? Ayoko na hindi mo magawa yung bagay na makapagpapasaya sa’yo kasi andito ako. Ang gusto ko maging masaya ka, kahit hindi ako yung magiging dahilan. Mas kakayanin kong malamang kuntento ka sa gusto mo, kesa sa akin na mahihirapan ka na lang palagi.

Hindi ko inasahan na aabot ako sa ganito. Hindi rin ako sigurado kung hanggang saan ko kakayanin. Ikaw yung tipo ng tao na masarap mahalin. Alam ko, kasi yun yung nararamdaman ko. Kung dumating man yung panahon na tanungin nila ako ng, “O ano, suko ka na?” Isa lang isasagot ko sa kanila: and that’s the very first word of each paragraph of this post. Gets mo? Okay, good. πŸ™‚

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s