Minsan.

Wala namang natatalo pagdating sa pagmamahal. Akala lang natin ganoon, kasi, karamihan, nasasaktan.

Umabot ka na ba sa punto ng buhay mo na handa kang gawin ang kahit ano kasi nararamdaman mong yun ang tama? Kahit na alam mong maraming aberya, ipagpipilitan mo pa rin kasi doon ka masaya? Bakit nga ba patuloy tayong sumisiksik sa isang bagay na walang ibang alam gawin kundi ang magpahirap lang?

Naniniwala kang karapatan mong sumaya. Pero hindi mo kayang tanggapin yung magiging kapalit. Sa buhay natin, may tatawa, may iiyak. May nagagalit, may kalmado. May mapagbigay, may madamot. Ikaw na bahala kung magiging alin ka, pero di maiiwasan na iintindihin mo kung ano ang sasabihin ng iba.

Hindi mo alam kung saan ka lulugar sa buhay ng tao kasi hindi mo rin alam kung ano ka sa kanya. Ang hirap mag-assume kasi pag magtanong ka man o hindi, ikaw at ikaw lang ang mabibigo sa dulo. Iisipin mo, “Okay na yung ganito. Masaya naman ako eh.” Hanggang dumating na yung pagkakataon na nag-eexpect ka na pala. Na umaasa ka na magiging ganun din sya. Na sa isip mo, nasa parehong pahina kayo. Kaya lang, ayun pala, nasa kalagitnaan ka na ng libro, pero siya, matagal nang itinigil ang pagbabasa.

“Pwede mong mahalin ang tao kahit hindi mo nakikita.” Narinig ko ‘to noong isang araw. Natawa ako kasi alam kong totoo. Hindi naman kailangan na makita mo ang tao palagi para lang masabing mahal mo. Kung pagkakaitan ng pagkakataon, edi gawan ng paraan. Kaya nga meron tayong sariling pag-iisip para gumawa ng desisyon. Binigyan na tayo ng problema, aba masyado ka nang masaya kung pati yun solusyon, ihahain sayo.

Paano mo nga masasabi sa sarili mo na mahal mo na ang isang tao? Iba-iba kasi tayo ng kahulugan. Ako, kuntento na ako sa simpleng kaya akong intindihin at hindi mag-aatubiling mang-iwan kahit maging gaano kahirap. Masyado bang sobra? Sobra ba kung ang magiging importante lang sakin ay yung oras at atensyon ng kung sinoman sya? Paano kung malayo siya sa’yo? Wala sa akin yung distansya. Distansya lang yan. Pwedeng-pwedeng gawan ng paraan.

Hindi tayo dapat naninisi kapag nasasaktan tayo. Kasi, aminin man natin o hindi, tayo rin may gawa nito sa sarili natin. Ikaw ang nagdesisyon na importante siya sa buhay mo. Hindi ka sinabihan ng kungsino. Ikaw ang nag-asam na balang araw, magagawa niyo lahat ng walang limitasyon, nang walang hadlang. Hindi yan gawa ng iba. At higit sa lahat, ikaw ang umamin sa sarili mo na handa ka sa kahit anong sakit. Hindi siya.

Kung pwede lang, kung pwede sanang wala na lang problema. Kung posible lang na sa isang iglap, makakagawa agad ng solusyon, tapos magiging ayos na. Kung mapagbibigyan lang, sana, andyan ako kasama mo. Kaso, hindi eh. Iniligay tayo kung nasaan tayo para matutunan natin yung dapat. Hindi ko alam sa parte mo, pero natutunan kong kaya ko pa palang magbigay ng bahagi ng sarili ko sa ibang tao nang hindi hihingi ng kapalit.

Magpasalamat ka kung merong taong handang magpahalaga sa’yo nang sobra-sobra pa sa kung anong inaasahan mo. Kasi isipin mo, sa kanya kaya may gumagawa nun? Di ba? Kung may isang bagay man akong natutunan, wag na wag mong aasahan na maibabalik nila yung pagkukusang ginawa mo. Kasi ikaw yan eh. Ginusto mo yan. Swerte mo kung marunong kang makuntento. Kasi sa pasasalamat pa lang nila, at alam mong naapektuhan mo yung buhay nila sa magandang paraan, magiging sapat na yun sa’yo.

Wala namang natatalo pagdating sa pagmamahal. Akala lang natin ganoon, kasi, karamihan, nasasaktan. Pero ayos lang sakin kung may sakit. Hindi naman palagi pwedeng maging masaya. Ang alam ko lang, balang-araw, hindi ko na haharapin yun nang mag-isa, kasi, kasama na kita.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s