I’ll be love suicide.

Sa tagal kong hindi nakapagblog, hindi ko na alam kung marunong pa ako. Ni hindi ko nga maayos yung thoughts ko. At hindi rin ako makapagdecide kung anong gagamitin ko: English or Tagalog? Ah basta. Itatype ko dito kung anong naiisip ko. Tuloy-tuloy lang. Parang naririnig niyo na rin yung naiisip ko habang binabasa niyo ‘to. Pakiintindi na lang. Alam niyo namankung gaano ako kagulong tao. HAHA.

Dapat talaga gumagawa ako sa Thesis ngayon. Ako kasi yung naka-assign sa References part. Last week pa kami nakapagpasa ng final manuscript, pero sa January 2013 pa yung final, as in FINAL, na manuscript. Pero dahil sa gahol na kami sa oras the night before ng submission, sinabihan ako na kahit na wag ko muna tapusin. Pabor naman sakin yun kasi hindi ako masstress masyado. Yun pala, ngayon ako hindi matutulog kasi gusto ko ito tapusin, kesa bukas ko gawin, PASKONG PASKO ‘TE, NAGTTHESIS? Kaya ayun. Wala rin kasi akong makausap na usap na hindi magrereact. Gusto ko lang magsalita nang magsalita nang hindi ako makakarinig ng pagalit o ng panghuhusga. Gusto ko walang magsasalita, ako lang. At nakakagaan sa loob ko kapag ganito. Hindi ko alam bakit. Basta…

Sobra akong naging busy. Pagpasok ng 2nd semester noong November, akala ko magiging super relaxed lang ako dahil nga “last semester” ko na. Yung tipong thesis na lang yung aatupagin ko kasi dun kami nakafocus talaga eh. Iniisip ko na yun na lang kailangan ko para maka-graduate. HINDI pala. Meron pang OJT. Meron pang ibang subjects. Meron pang ibang requirements na hindi ko alam paano sisimulan gawin, at hindi ko rin alam alin uunahin ko.

Bedspacer. Niloloko na nga nila ako dito sa bahay na hindi na nila ako maramdaman. HAHA. Hindi ko alam kung anong inuulam nila sa araw-araw. Aalis ako ng bahay ng 5:30 AM. Classes ng 7Am-11AM. Tapos OJT ng 1PM-7PM. Byahe pauwi. Makakarating ng bahay ng 8:30. Dinner, school work, wash up. By 11PM, dapat tulog na ako kung gusto kong makabawi ng tulog. 4AM gigising. Repeat process. Nakakapagod ba? OO. Sobra. Swerte na nga kung makatulog pa ako ng 10PM eh. Kaya lang, hindi talaga kinakaya paminsan. Kailangang hindi matulog para makatapos sa gawain. Mahigit isang buwan na akong ganito. At kahit ngayong Christmas break na, oo, nagtthesis ako, at may iba pa akong gagawin bukod dito na school-related. Gusto ko ngang tapusin lahat ngayong linggo para next week, wala nang gagawin. Kasi pasok na ulit sa January 4. Saya diba.

Thesis. Nakatatlong overnight ata kami nitong nakaraang linggo. Para lang matapos yung manuscript. Pagod galing klase. Tapos diretso gawa. Walang tulog. Diretso klase kinabukasan. Makakauwi ng bahay, pero hindi pa rin makakatulog kasi kailangan kong mag-aral sa isang quiz. Sobrang bilibg nga ako sa kakayanan ng katawan ko na magfunction kahit literal na hindi nakapahinga. Makatulog ka man ng 2 oras, parang wala rin. Parang pumikit ka lang pero hindi nakapahinga yung utak mo. Sobrang pagod talaga. Literal. Minsan, naiisip ko kung tama bang nasanay akong ipinagpalit yung tulog at pahinga para sa academic-related stuff. Sa ibang banda, tama siguro. Pero kung yung utak at katawan ko ang tatanungin, matagal na nila akong tinatakwil dahil sa sobrang stress. HAHA.

B.  Alam mo bang nasstress ako sa’yo? HAHAHA. Hindi ko nga sigurado kung mababasa mo ‘to, pero di naman masama magma-feeler. =)) nasstress ako kasi nakakainis. Magmemessage ka, rereply ako, tapos hindi ulit sasagot?! Hindi mo alam kung gaano ako nadedepress kapag hindi ako agad nakakasagot sa messages at tawag mo, tapos, kapag ako nagmessage or tumawag, hindi sasagutin? Ano yun? Paramihan ng missed calls? HAHA. Nagrant na lang eh. XD Ilang araw at ilang linggo ko hinintay yung tawag/message na yun, tapos kapag hindi na ginustong sagutin, hindi na lang nga sasagot? Paulit-ulit lang ako? HAHA. Eh kasi, wala naman talaga akong napaglalabasan neto. Seryoso. Kilala niyo ako na sobrang madaldal, pero pagdating sayo, gusto ko lang sarilihin. Kaya lang, di na kaya eh. HAHAHA. Sobra nang nakakaiyak paminsan. Pero hindi naman ako umiiyak. Parang ang saya lang iiyak. Alam mo yun? Alam mo yun kung gaano ako kagulo?

Yung gusto ko lang naman kasi talaga yung makakwentuhan ka lang ulit. Masaya kasi talaga ako kapag ganun. Alam mo kung gaano ako kasaya kapag nakakapagkwento. Lalo na sayo na alam kong marunong makinig. Eh wala eh. May mga bagay talaga sa buhay na hindi mo maibibigay kahit yun ang gusto ko. At may mga bagay rin na kaya kong ibigay, pero hindi sapat para sa’yo. Malungkot lang, na pagod ka sa buong araw, tapos, wala kang nakkwentuhan. Yung walang nakakapagsabi na, “Pahinga ka na, sobra mo namang pinapagod sarili mo eh.” Yung walang nagpapaalala na andyan lang siya, na tawag ka lang kapag may kailangan ka. Yung walang tatawag para gisingin ka kasi kailangan mo nang pumasok sa school. Yung wala kang mababasang message kapag naamlipungatan ka na masaya siya kasi ganito kayo. Yung wala nang nagsasabi na nagpapasalamat siya kasi nagrisk ka para sa kanya. Yung wala nang naka-hold na tawag habang natutulog ka, tapos, bigla mong maririnig na kailangan na nyang i-end yung tawag kasi papasok na sya sa trabaho, tapos bigla nyang sasabihin na “I love you, babe.” Yung wala nang tatawag sa’yo para lang magkwento na naiinis siya sa kung anu-anong bagay. Yung wala na. Yung wala na talaga. :’)

Nakakamiss lang talaga. Nakakamiss kasi dahil sa’yo kaya ko ginawa ulit yung mga bagay na yun. Naging masakit lang, kasi, sayang. Sobrang sayang.

Anyway, shocks. Ganito ako ka-stressed. HAHA. Okay na ako. Makakafunction na ulit ako nang matino. Kapag nagbblog kasi ako, feeling ko, naiintindihan ako ng nagbabasa. Pero kay Lord ako pinakanagpapasalamat. Kung hindi lang din naman dahil sa kanya, ewan ko kung nakakasurvive pa rin ako. Sa year-ender post na lang ako magsshare sa mga pinagdaanan namin, mas okay yun. 😀

Salamat sa pagbabasa nito kahit hindi naman ito nakatulong sa pagbabawas mo ng timbang, at lalong wala itong kinalaman kung bakit hindi nag-end yung mundo noong December 21.

Salamat ulit. Sana hindi mo maisip na baliw ako. XD
Okay. Thesis na ulit ako. KTHANKSBYE.

6 thoughts on “I’ll be love suicide.

Leave a reply to potsquared Cancel reply