Psalm 119:112

It is not about how loud you shout or how high you jump when you praise the Lord, it is about obedience.

Sobra akong nahihirapan magblog ngayon. Seryoso. Hindi ako makapag-isip ng tamang salita na mailalagay. Hindi ako ito eh. Palagi akong madaldal. Palaging may baong kwento. Palaging may masasabi. Pero ngayon, sobrang hindi ako makapag-isip. Gusto kong magblog sana in English, kaso talaga, hindi gumagana yung utak ko.

Gusto kong magblog tungkol sa kung gaano ako nasasaktan. Gusto ko na yung mga gagamitin kong salita eh yung tipong tatatak sa utak ng magbabasa tapos makikisimpatya sila sakin. Yung ganun ba. Yung para lang maramdaman ko na merong nakakaintindi sa pinagdadaanan ko.

Sinubukan ko kanina na magcompose. Habang nagtatype ako, hindi ako nakukuntento sa kinalalabasan, kaya buburahin ko rin. Mga limang beses siguro ako sumubok na magsulat kanina, pero kahit isang paragraph, wala akong nabuo.

Hindi ito yung unang pagkakataong nahihirapan ako mag-blog. Pero alam ko na yung dahilan noong una pa lang. Ayoko lang irecognize. Kaso, ngayon, naulit na naman. Kaya pakiramdam ko, yun nga.

Kapag nararamdam ko kasing nahihirapan ako magblog, merong nagsasabi sa akin na, “Ano ba yan Daine? Andyan si Lord sa puso mo ah. Bakit di mo ibigay yan sa Kanya?” Parang ganun. Parang, mahiya naman ako na nag-iinarte ako, eh kayang-kaya alisin ni Lord lahat ng pain ko, ayaw ko lang ibigay.

Alam ko kasi na since the time that I said “Yes” to Jesus, my heart is really transformed. Na lahat ng aspeto ng buhay ko, He reigns. Hindi mo na magawang magkaroon ng sama ng loob kahit sobra kang sinaktan. Hindi mo magawang magalit kahit hindi tumupad sa usapan. Palagi kang nagpapatawad kahit di naman hinihingi sayo. May mga bagay kang nagagawa ngayon na hindi mo naisip dati na gagawin mo. Kaya palagi ko na lang nasasabi, “Grabe si Lord.”

Kaya ngayon, pag masama loob ko, kay Lord ang takbo. Gawain ko dati, magtetext sa kaibigan para magkwento. Ngayon, hindi. Kakausapin si Lord. Hindi ka pa irereject. Anytime available Siya makinig. May mga bagay rin kasi Siyang ipinapakita sakin kaya ko narerealize na ang saya pala talaga ng buhay ko. Hindi ko dapat hinahayaan na dahil sa isang pangakong hindi natupad, matatapos na lahat. Hindi pala ganun.

Ang galing ano? Alam kong hindi ito maiintindihan ng iilan. May tataas ang kilay sa kung anu-anong sinasabi ko. Pero ganun eh. Nagagawa kong magtiwala sa isang nilalang na hindi ko pa nakikita, pero kaya kong patunayan na andito Siya sa buhay natin. Sobra akong mahal ni Lord. Napagsasamantalahan ko nga iyun madalas, pero hindi nagbabago yung tindi ng pagmamahal Niya. Sobra rin yung tiwala Niya sa akin na kaya kong magawa kung anuman yung will Niya. Yung ganitong baliw at madalas madepress pipiliin ni Lord? Hindi naman kasi Siya tumitingin sa kung anong ginagawa mo dito sa mundo. Tinitignan Niya kung ano yung laman ng puso mo.

Babalik rin itong wisyo ko sa pagbblog. Baka kailangan ko lang talaga magfocus totally kay Lord. πŸ™‚

Advertisements

4 thoughts on “Psalm 119:112

  1. Nakakatuwang isipin na me mga taong katulad mo na maluwag na nagsasalaysay ng relationship nya kay Lord..na walang halong kilabot..(may mga tao kasi na sasabihan ka ng selfrighteous pag binabanggit mo ang pangalan ng Diyos)..Godbless tuloy mo lang yanπŸ’–

    • Maraming salamat sa iyo, Lina! Nakalimutan ko nang isinulat ko pala ito, magtatatlong taon na! May mga pagkakataon pa din ngayon na nagkakaganyan pa din ako, pero, ganun lang naman ulit: takbo lang muli pabalik sa Lord πŸ™‚

      Maraming salamat muli, Lina! Na-encourage mo ako ngayong araw. πŸ™‚ God bless you, too!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s