Ang thesis, parang pag-ibig din pala.

Kahit di mo gustuhin, darating at darating pa rin sa buhay mo. Sa una, mahirap, kasi hindi mo alam yung gagawin mo. Araw-araw yun. Pangungunahan ka ng takot kasi wala ka talagang alam.

Pero unti-unti mo ring maiinitindihan na hindi talaga maiiwasan ang mga ganitong bagay. Parte ng buhay eh. Parte ng mga desisyong ginawa mo. Maguguluhan ka. Pag-iisipan mo kung “tama ba?”,kung “worth it ba?” Ang labo di ba? Bakit ganun? Kahit hindi mo naman hiningi, mapupunta sa’yo? Bakit?

Kaya ang nangyayari, kahit ayaw mo talaga, kung andyan na, pipiliin mong gustuhin, pipilitin mong unawain. Hanggang umabot sa ka puntong maliliwanagan ka sa lahat. “Ahh. Kaya naman pala.” Kapag andito ka na, makukumbinsi mo yung sarili mo na gawin mo ‘to, gawin mo ‘yun.Kasi yun daw ang dapat. Magtataka ka sa una, pero dahil sa sabi nila, maniniwala ka. Gagawin mo pa rin. Ilalaan mo lahat ng oras mo, ibibigay mo lahat ng makakaya, isasakripisyo ang mga bagay-bagay. Bigay lahat. Magiging buhay mo ‘yun. Doon lang iikot ang mundo mo. Nakikita mo naman kasi sa iba na ayos ang kinalabasan. Kaya ang alam mo, magiging ayos rin sa’yo.

Darating ka sa punto na susubukin lahat ng pinaghirapan mo. Malalaman lahat ng tao ang bakit, kelan, at paano. Minsan babatuhin ka pa ng kung anu-anong tanong. Kailangan mong ipaglaban, kailangan mong panindigan. Pero hindi pa rin daw sapat sabi nila. Masakit di ba? Kahit na halos lahat eh ibinigay mo na, noong akala mo ayos na, sasabihin nilang kulang pa.

Pero maiisip mo, swerte ka pa rin. Yung iba nga walang pagkakataon eh. At least naranasan mo. Magpapasalamat ka pa rin na kahit di ka karapat-dapat, ibinigay sa’yo. Ipinagkatiwala sa’yo. Hindi mo lang siguro naalagaan nang maayos kaya magiging ganyan. Oo, sa huli mo yun mpagtatanto. Sa huli mo maiintindihan na minsan, kailangan may masakit muna bago maging masaya.

***

Hindi ko alam kung naintindihan niyo yung analysis ko, pero oo, tapos na ako sa thesis defense! Sobrang thank you sa lahat ng prayers and support. Sobrang masaya na pumasa ako, pero mas nagpapasalamat ako na nagtiwala kayo sa kakayanan ko. Hindi madali mag-thesis, kaya di ko alam kung uulit pa ako, sa masteral or whatever. SA STATISTICS PA LANG TA-TUMBLING NA AKO. Hahaha. Ask me again a year after.

Thank you lalo na kay God, kasi kung di dahil sa Kanya, seryoso, di ko alam paano na.

Hindi pa ganoon nagsisink in sakin na tapos na un defense, na one step closer to graduation na ako. Bukas siguro, or next week. Basta, that’s one less task to think about.

Sa ngayon, babawi muna ako ng tulog. Haha.

Advertisements

2 thoughts on “Ang thesis, parang pag-ibig din pala.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s